Samahan ng mga Kabataang Marinduqueno

Inspirasyon

Congratulations, Samahang Kabataang Marinduque for this wonderful site and for sharing this information. Nagbunga na rin ang ating mga kabataang anak ni Duke na sumasama sa pag-imbulog ng makabayang adhikain at makataong layunin hindi lang sa porma o sa bihis ngunit pati sa mga bagay-bagay na kontribusyong pampubliko at pangtao sa anumang paraan makamit lang ang kahit konting linaw at pag-asa hindi upang ang kanyang sarili lamang ang ipakilala sa tao kung hindi ang kabuuhan ng nakararami. Ipagpatuloy pa ninyo ang mga ganitong gawaing makatao na mabigyan ng mga impormasyon at mabuksan ang mga mata natin saanman dako ng mundo tayo naroroon at hindi hadlang sa kahit sino ang mga bagay na ganyan, sa makabagong puwersa ng komunikasyong. Nasa sampung daliri natin naka salalay "One Touch Screen" ika nga at ditto sa Facebook ay isang pamamaraan upang makipag-usap tayo sa kahit kanino o makipagbalitaan o malaman ang nangyayari sa ating kapaligiran labas at loob ng ating kinalalagyan saanmang dako ng mundo, ay sapat na upang patunayan na tayo'y mamamayang may malasakit. Mabuhay tayong lahat.

-Libtangin Ubong Gasan Marinduque

0 comments:

Post a Comment

To comment, please write your full name (firstname/lastname), hometown and your email address. Thank You.

Copyright © SAKAMAR | Powered by Blogger
Design by SimpleWpThemes | Blogger Theme by NewBloggerThemes.com