Like you are, the weight / importance of sharing what we can sa ating mga maliliit na kababayan ang isa sa aking primary _object_ives dahil we know and we feel the harsh realities of life (ngayong pahirap nang pahirap na sitwasyon sa buhay). I'm very much particular sa katulad kong matagal nang OFW pero magpahanggang ngayo'y patuloy pa ring nakikibaka at nakikipagsapalaran sa kahirapan ng pagtatrabaho sa ibayong dagat. Some people think (or might think) na dahil kami'y sa abroad mga nagtatrabaho eh nakaka-angat na sa buhay. NO! THAT'S INCORRECT! Maling kaisipan iyon dahil kung sa ating bansa kaming mahigit 8 (walong) milyong OFWs nakikipag-agawan sa trabaho, kahit kaminero (taga-linis ng kalsada)ang isang College Graduate ay mahihirapang matatanggap. NO AVAILABLE JOBS NA NAKALAAN O MAAARING MAPASUKAN NG ATING MGA MAMAMAYAN! At ito ang essense ng message kong ito.
ITO ANG PANGKASALUKUYANG SITWASYON KUNG ANG PAG-UUSAPAN AY ANG TRABAHO (EMPLOYMENT) SA ATING MAHAL NA BANSA! ITO ANG NANGDUDUMILAT NA KATOTOHANAN KUNG KAYA KAMING MGA OFWS KAHIT SAANG LUPALOP NG MUNDO AY NAKIKIPAGSAPALA-RAN, MABIGYAN LANG NG DESENTENG ESTADO SA BUHAY AT MASUPORTAHAN ANG MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN ANG AMING PAMI-PAMILYA. GAYUNDIN, UPANG MAY MAGAMIT NA BILYON-BILYON DOLYAR ANG ATING GOBYERNO PARA SA IBA'T-IBANG FOREIGN TRANSACTIONS NITO NA NANGGAGALING NAMAN SA AMING PINAGSAMA-SAMANG MONTHLY REMITTANCES (NA TINATAWAG NA KATAS NG AMING PAGHIHIRAP, PAGTITIYAGA AT MATINDING KALUNGKUTANG SANHI NG PAGKAKALAYO SA MGA MAHAL SA BUHAY). The fact of the matter is: Kami bang mga OFWs na pangunahing dollar earners ng bansa ay nabibigyan ng sapat na attention /suporta sa aming mga pangangailangan upang makapagsimula ng anumang proyektong pangkabuhayan (habang kami'y sa abroad pa nagtatrabaho) or doon sa mga nakapagsimula na at nakahanda nang magpaunlad ng naipun-dar - KAMI BA'Y TINUTULUNGAN UPANG MAGPATULOY SA AMING MAGAGANDANG HANGARIN upang kung dumating man ang pagka-kataong kami'y magpasiya nang umuwi'y hindi kami mapapa-bilang sa mga istambay (walang trabaho) or sa mga aandap-andap ang kabuhayan?
Now, being an OFW naman - hindi komo kumikita sa ibang bansa eh sapat o dahilan na ito upang makalimutan ang tunay na diwa ng pagiging OFW. Bakit napakarami nating mga kababayang OFWs ang napapariwara at nalalagay sa hindi magandang sitwasyon? Isa ito sa mga hazards ng pagiging OFW - hindi lahat ay nakakatagpo ng maayos o mabuting employment or employers. And for those na kahit papaano'y nakakaagapay sa maayos na takbo ng buhay, dapat lang nating samantalahin ang magandang pagkakataon at ituon ang kaisipan o pagpaplano sa hinaharap or kinabukasan. I must be honest (batu-bato sa langit, tamaa'y huwag magagalit)na ang iba kasing OFWs ay madaling nakakalimot or tila nalalasing kapag kumikita na ng higit sa kanyang inaasahan at ito ang nagiging dahilan upang dahan-dahang napapabayaan ang mga naghihintay o umaasa ng suportang pinansiyal nilang mga mahal sa buhay. This is another Chapter on the life of some OFWs. They are just adding pains to their injury. In anyway, kanya-kanyang diskarte lang iyan, they wanted to be that way, SO BE IT!
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, sa isang basket na puno ng kamatis ay mayroong isang sira o bulok. It's a case to case basis like us OFWs. Basically, majority of us are striving so hard to have both ends meet and achieve our noble _object_ives gaano man iyon kahirap na matupad, if we have that fervent(nag-uumalab)desire and faith to the Almighty - everything is possible. Despite na ang anumang simple request naming mga OFWs sa ating gobyerno(Top Officials)ay hindi nabibigyan ng kaukulang
pansin o pagpapahalaga -like in my case (I have written numerous instances to the Honorable President, Vice President, Secretary of Agriculture (with Malacanang Action Center's Indorsement to the Chief of Staff of Secretary Arthur C. Yap) up to this writing, the matter remains in status qou. Tulungan man nila ako o hindi - I leave it to God Almighty. Still, I will continue what I have established upang iyon ay higit pang mapaunlad at nang makatulong pa akong higit sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mga mahihirap naming mamamayan, gayundin ang mapaunlad ko ang aming naitayong kooperatiba upang ang mga pamilya ng past and present OFWs ng aming probinsiya ay matulungan kong mabigyan ng karagdagang mapapagkakitaan. Sa ganoong paraan, mahahango sila sa kahirapan at maipagpapatuloy ng kanilang mga anak ang kanilang pag-aaral.
May kasabihan tayong the show must go on. Umulan man o umaraw, kahit sino pang Presidente ang umupo / tumira sa Malacanang, the present crisis in our National Government
will continue to prevail kung ang kanilang mga sarilign kapakanan ang kanilang uunahin at babalewalain nila ang mga taong may mabubuting hangarin upang maging kasangga nila sa pagbata ng kahirapan ng buhay.
FAILURES IN EVERYTHING SHOULD BE CONSIDERED CHALLENGES AT DAPAT PANG PAGSUMIKAPANG MAPAGWAGIHAN! I believe that somewhere, somehow, kung tayo'y naniniwalang kaya nating mapagwagihan ang isang bagay, we can do it and win the game! That should be the right attitude natin towards life. Kung walang nais tumulong sa atin, let's do it in the simplest way we can and once we achieve our best intention, we shall be happy as ever, diba?
On my part being a striving OFW, honestly, malaking tulong ang naidudulot sa akin ng Foodbytes Forum. Nagkakaroon ako ng mga karagdagang impormasyon na maaaring magamit ko sa aking mga proyekto. Gayundin, kung ako'y magsisimula pa ng mga panibagong proyekto tungkol sa produksiyon ng pagkain. I always put myself on the shoes of the person/s who wish/es to know more about certain things. Walang masama sa pagko-contribute ng anumang karanasan o kaalaman upang maituwid ang anumang pagkakamali at maiwasan ang hindi kanais-nais na sitwasyon. By such, we are saving not only our precious time, kundi pati na rin ang anumang material, effort and money. Our _object_ive is to help and God takes care of the rest.
At para naman sa mga katulad kong OFW na regular na sumusubaybay sa Foodbytes Forum, I advise them to continue seeking knowledge sapagkat hindi sapat ang ating mga kaalaman sa maraming bagay. Kung tutuusin, there are a lot of venues na dapat pa nating ma-discover
,mapagtuunan ng pansin at palawakin.
Foodbytes Forum is the site that is very essential sa buhay nating mga Filipinos. We learn from it and we're happy it exists. Congratulations to you Gerel, Wayne and your entire staff. Keep up the good work.
On my part, I always share the information I read from Foodbytes with my fellow OFW & friends who are on the same boat as we are. Take care & GOD BLESS! MORE POWER!
Ako pa rin,
TONY R. MONTERAS
OFW, Riyadh, Saudi Arabia
0 comments:
Post a Comment
To comment, please write your full name (firstname/lastname), hometown and your email address. Thank You.